Free Blog Counter
Poker Blog

Friday, January 23, 2009

Domo Arigato, Domingo!

Birthday ng isa sa mga bestfriends kong si Domeng noong January 22. At dahil tinatamad siyang magluto pati na rin ayaw n'yang mangarag sa preparation, kumain na lang kami sa aming uber favorite na Japanese Restaurant - ang Miyako. Located ito sa Hyatt Regency at isa sa mga pinakapopular na fine dining restaurants sa mga Hapon sa Dubai.

Plugging!!!!! I owe this kasi to Ms. Elizabeth Ramos na manager ng nasabing restaurant. Siya ang Mama San ng mga staff n'ya. Sobrang spoiled namin sa kanilang lahat. Andami nilang mga ipinakain sa amin na talaga namang nilafang namin ng bonggang bongga!

Domo arigato rin siyempre kay Rose na ni-recommend ang Hill & Dale Chardonnay. In fairness, gusto ko 'yung fruity accent ng wine. Arigato rin kay Grace na sinamahan ng up-to-date chika ang service. Ahihihihihi.





Love talaga namin ang Japanese food. Pero ako, hindi lang ang food ang mahal ko. Choz!














At bago matapos ang gabi, op cors binigay na namin ang gift namin kay Domeng. Chinika namin na picture ito kunwari. Ok lang naman daw sabi ni Domeng. Pero parang feel n'yang mag-walk out. Charot!

Check n'yo ang mga pics at mararamdaman n'yo ang excitement ng birthday celebrant.


So, there! Happy birthday na lang ulet kay Domingo. Salamat sa napakaraming taon na magkakaibigan tayo. Sana bumongga pa tayong lalo!

Haik!



Sunday, January 18, 2009

Meet Bebe Gandanghari




I just read an article from PEP that Rustom Padilla is having a change of heart.

No, we won't be seeing him side by side in an action flick again with his Bad Boy brother Robin Padilla nor would we see him in a romance movie again with ex-flame Carmina Villaroel. That's more than wishful thinking even to someone who hopes for world peace!

The change of heart is with his name. Yes, he wants to be known now as Bebe Gandanghari (read as bibi - as in duck!) . Antaruzhtics! Musta ka naman Bebe?!

Try ko rin kayang mag-change ng name? Ahihihihihi. Choz lang! Bigay ko na lang sa Ate Bebe ko ang moment!

He claims that Rustom is gone and that Bebe is here to stay. He said he changed his name in celebration of the change in him. Echoz naman kasi kapag tinawag pa siyang Rustom eh mukha na nga siyang babae. Eh di tawagin na lang siyang Badong kung gano'n lang din naman, di va?

I'm not sure if this is just a gimmick for an upcoming TV show or a publicity for something he will be doing soon.

I just know that whatever gender he chooses, Rustom err, Bebe Gandanghari looks gorgeous - regardless!

May gano'n?!

Monday, January 12, 2009

Birthday ni Pangot

January 10

Isang nakaka-lukring na araw ang birthday celebration ni Pangot. Bukod sa maaga na kaming gumising ni Jong para bumili ng ibang gagamitin sa party, kakapagod pa ang preparation. Pero dahil talented ako, nakapag-power nap ako ng 1 hour habang naghihiwa sila ng mga iluluto. At habangbuhay akong sinumbatan ni Jong dahil sa "pandaraya" kong iyon.


Hay naku! Kakangarag! Ilang beses kaming sinita ng security dahil nirereklamo kami ng isa kong kapitbahay. Dis-oras na daw kasi ng gabi kaya nabubulabog daw siya. Ano siya, school of fish? Mabulabog? Tseh! Slight deadma lang tapos carry na ulet. At sa katigasan ng ulo namin kinabukasan, naka-receive ako ng letter na sinu-summon akong kitain ang housing manager para magpaliwanag sa barangay! Sakit sa ulo! Siyempre, ako naman na first time mapatawag sa principal's office eh tensiyonado agad noh! But it ended up well. Nag-apologize naman ako and I gave my word na hindi na ulet mangyayari ang pagmamaganda ko. Choz!

Sa kabilang banda, masaya ang celebration ng birthday ng kapatid ko. Andaming people na dumating. Kinabog ang pagiging Miss Congeniality ng lola nyo! Pero dahil sa insidenteng iyon, parang balik na lang yata kami sa pag-cecelebrate by eating out! Traumatic eh!

Anyway, happy birthday na lang ulet sa kapatid ko na katangi-tanging nagtitiyaga sa akin dahil wala siyang choice. Ahihihihi.

Enjoy the pics!




















Wednesday, January 7, 2009

Tayong Dalawa

Another reason for me to get excited with my primetime viewing.

Jake and Gerald? Damn! That's a double treat!

Last time I saw Jake was in "Palos". I heard he's really good there. Too bad the TFC sched made it impossible for me to watch it then.

Meanwhile, Kim and Gerald made me go home early when they did "My Girl". I remember tidying up my office at 6.00 pm only so I can catch it at 6.30 in TFC.

I saw the trailer of "Tayong Dalawa" and the teleserye boasts of a powerhouse cast. That's very typical of an ABS CBN show. But I am certainly not complaining! I am even having an LSS with Gary V.'s rendition of the Rey Valera classic. Shoots!

January 19, 2009 - mark the date. I'm switching off my phone! Hahah!

Thursday, January 1, 2009

Happy New Year!

As usual, sa hotel na naman ako inabutan ng bagong taon. Anim na taon nang ganito ang eksena ko sa buhay. Lagi na lang din akong iniinggit ng mga kaibigan ko kase lagi silang magkakasama kapag new year's eve. Pero wala akong magagawa kundi tanggapin at i-enjoy ang celebration sa hotel kasama ang mga colleagues ko. In fairness, bongga naman pero kung may choice ako, syempre mas gusto kong maki-celebrate kasama ang mga friendship ko noh!

At dahil nga hindi ko sila nakasama sa pagsalubong ng taon, naglamyerda na lang kami sa Dubai Festival City noong gabi ng January 1. Maghapon kasi akong tulog dahil nagtrabaho ako ng bonggang bongga the night before. Pokpok ba ako? OO! Ahihihihihi.

I wish everyone well! Wala naman na akong mahihiling pa sa buhay ko kasi andami nang ibinigay sa akin. Sobra sobra pa nga eh. Kahit nga hindi ko hiningi, ibinigay ni God. Gaano naman kalufet 'yun? Ahihihihihi. Nakakahiya na tuloy humingi kung minsan. Hinihiling ko na lang na sana matupad din ang pangarap ng mga mahal ko sa buhay at ng mga taong malalapit sa puso ko. At ipinapangako ko na habang kaya kong tumulong upang matupad ang mga pangarap nila, gagawin ko. I, thank you! Hihihihihihi.

HAPPY NEW YEAR EVERYONE! THANK GOD! :-)